Jul 09 1st |
LagnatPosted by Ada on Category: Personal | 42 Comments |
Akala ko’y hindi ako mabibiktima ng usong usong sakit ngayon, ang Lagnat. Nagkalagnat ako ng dalawang araw, sinat sa ikatlong araw, at binat sa ika-apat na araw. Kasalukuyan akong nagpapahinga, nakahiga, hawak ang cellphone, at patuloy na nagpplurk.
Nitong mga nagdaang araw, cellphone lang ang hawak ko, cellphone na wala namang nagtetext. Walang nagtetext sapagkat bago ang aking numero. Nagbago dahil sa lintik na PUK na yan. Salamat sa Balance inquiry, isang text lang reply agad.
Salamat din kay Kuya Jan at bininyagan niya ang aking new number with P300 airtime load.
Ako ay babalik muli sa blog hopping kapag ako’y tuluyan ng magaling. May bahid pa ng ubo ang aking lalamunan at sipon ang aking ilong. Kaya naman, pinili ko munang gawing tagalog ang post na ito, para lumala ang sipon ko. Dalawang araw din akong hindi naligo, kaya naman ang aking buhok ay masahol pa sa pinulupot na lubid ng pier. Ang tigas!
Nagpapasalamat ako, sapagkat hindi ito A(H1N1). Bakit nga naman ako magkakaroon non eh ni minsan ay hindi pa ako nakalabas ng bansa, at wala ni isa sa bahay namin ay nakalabas na ng bansa.
Habang nasa proseso ako ng paggaling, kailangan kong ubusin ang gamot na nireseta sa akin sa loob ng isang linggo. Kung gaano kasarap ang lasa ng gamot sa ubo ay ganon ka-pakla ang lasa ng antibiotic!
Sa lahat, wag kalimutan mag Vitamin C at least 1000mg.
Related Posts







I am Ada. I enjoy life up to the fullest. I love nature and colors as much as I love photographs and traveling. Come here and discover Philippines.
















November 22nd, 2009 at 9:32 pm
hirap talaga pag nabinat ako nga nauwi na sa vertigo ang binat ko hrp talaga…
Reply
July 5th, 2009 at 10:44 pm
Pagaling ka ada..and try mo rin pacheck sa doctor pag tumagal pa lagnat mo kasi baka magkacomplication syo..alam mo na usong uso sakit ngayon..mabuti na ung nagiingat.
And tama si kelvin..nagiging makata ka pala pag nagkakasakit ka.
Reply
Ada Reply:
July 7th, 2009 at 2:46 pm
Ahaha!! Oo kelangan maging makata kasi hindi ko pa kaya magEnglish hehe.
Reply
mary ann mondejar Reply:
July 17th, 2009 at 8:09 pm
oo nga para hindi tayo
magkalagnat sa na wag nyo ako ah1n1 fluvirus
Reply
July 5th, 2009 at 10:19 pm
Hi Ada,
Pagaling ka. Get well soon…
Reply
Ada Reply:
July 7th, 2009 at 2:46 pm
Thanks Tyrone!
Reply
July 5th, 2009 at 7:29 pm
Get well soon Ada! Lagnat laki lang yan siguro. ^_^
Reply
July 5th, 2009 at 4:35 pm
magpagaling, delikado ang panahon ngayon, baka kung ano pa ang tumama sa yong sakit pag mahina ang resistensya
Reply
Ada Reply:
July 7th, 2009 at 2:46 pm
Magaling na me! weee
Reply
July 4th, 2009 at 11:15 am
oo nga, sa bahay lang at pahinga, nuod TV, tulog,kain. unless eh pala-gala itong si ada, ehehe!
girl na girl ang layout ng new blog nya. i love this one. bagay ada
generous si jan ano? eheheh!
Reply
Ada Reply:
July 7th, 2009 at 2:50 pm
Ahaha! Yup Thanks to Jan wee!
Reply
July 4th, 2009 at 6:16 am
yay! mas ok yang may lagnat, para di na labas ng labas ng bahay.
ganda ng layout ah.. cuuuuute
Reply
Ada Reply:
July 7th, 2009 at 2:52 pm
Hihihi gawa ni sab weee
Reply
July 3rd, 2009 at 9:17 pm
Wow. This is a better site layout, you have.
Ako man, may lagnat, sipon, kati ng lalamunan, ubo at diarrhea pa nga eh. Haha. AH1N1?
Anyway, salamat sa pagdaan sa blog ko.
Reply
Ada Reply:
July 7th, 2009 at 2:51 pm
Ahaha! Thank you gawa ito ng sister ko hehe!
Reply
July 3rd, 2009 at 8:14 pm
Ayan ha ada, navisit ka na ni Doc Z, dapat mabilis ang paggaling mo. New home.
Reply
Ada Reply:
July 7th, 2009 at 2:52 pm
Ahaha! Honga Kuya Mon, woot! Eto at magaling na ako.
Nakakagala na ulet! Weee
Reply
July 2nd, 2009 at 11:16 pm
I love the new design. Pagaling ka at mahirap ng magkasakit ng matagal mamimiss mo ang blogosphere
Reply
Ada Reply:
July 3rd, 2009 at 12:54 am
Salamat Kuya Ambo! Design yan ng sis ko woot.
Honga tagal ko tuloy ndi nakapagblog hop
Reply